Jerry Yan, nabighani kay Frencheska!
Ni ABU TILAMZIK
Excited naman si Frencheska Farr sa pagkukuwento sa amin sa Party Pilipinas kahapon na very memorable daw sa kanya ang karanasan niya sa pagtanggap niya ng Asian Female Model Award sa Seoul, Korea nu’ng nakaraang linggo.
Sa Pilipinas ay sila nga ni Aljur ang binigyan ng modeling award na iyun at tuwang-tuwa itong nakasabay raw niya sa event na iyun ang Chinovela actors na sina Jerry Yan at si Cholo ng Stairway to Heaven.
Pinakanta raw kasi si Francheska sa modeling competition at kahit hindi raw nila naintindihan ang kinanta ay nagustuhan daw ito ng mga nandu’n lalo na ang mga Koreano na sumabay-sabay pa sa pag-indak habang kumakanta ito.
Medyo mailap nga raw si Jerry Yan sa mga gustong magpalitrato pero nang hinabol daw ito ni Frencheska at nagpakilalang isa siyang Pinay ay kaagad na nagpalitrato raw itong sikat na Taiwanese actor.
Kuwento ni Aljur sa amin, ang tagal daw na nakatitig si Jerry kay Frencheska at parang nabighani nga raw ito sa ganda ng young singer/actress pero nahihiya naman si Frencheska na pag-usapan iyun.
Basta ang importante nakapagpa-picture daw siya kay Jerry Yan.
Nagpapasalamat si Frencheska sa GMA 7 at higit sa lahat kay Ms. Ida Henares dahil sa magandang break na naibigay sa kanya at nakuha pa niya ang award na iyun sa Korea.
May isinali rin pala ang GMA Artists Center sa modeling competition na iyun. Si Suzuki Sadatsugu ang isinali sa mga male models at nakakuha raw ito ng Mr. Congeniality award.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment