Share1020
May dayaan ba sa ratings?
Alfie Lorenzo
EMAIL ito ng isang avid reader ng Abante Tonite na hindi namin puwedeng deadmahin. Sure ako na kahit kayo ay mag-iisip once na mabasa niyo ang email na ito ni Mirasol De Guzman (teachermirasol@yahoo.com.ph).
Dear Tito Alfie,
“Avid reader ako ng Abante eversince, simula pa lamang mabuo ang troika ninyo nina Ka Oskee at Atty. Billy. Ang Abante ang para sa akin ay may credibility pagdating sa entertainment news dahil sa inyo.
“Hindi ko po alam ang email ad ninyo kaya naisipan kong mag-email sa Abante sana ay makarating sa inyo at mailathala ninyo para mabasa worldwide. Nagtataka kasi ako sa National Rating daw ng TNS na obvious na ang ABS-CBN ang nagbabayad.
“Lagi na lang napag-iiwanan ang TV shows ng GMA 7 lalo na ang Darna, Stairway to Heaven at noon ang Zorro. Halata po na may padding na nangyayari na pakana ng mga taga-ABS CBN just to please Mr. Gabby Lopez.
“Kung totoo ang rating nila bakit ang Ruffa & Ai ay natigok? (Huwag sana ma-offend si Annabelle Rama, waray din ako at gusto ko sina Ruffa at Richard). Simula pa lamang mag-air ang Ruffa & Ai lagi na itong panalo sa rating ng TNS against SiS noon.
“Eh, may top-rated bang matitigok sa ere? So, dinadaya ba nila ang rating nila? They tried to misled the public by saying nationwide ang rating nila gayung Visayas-Mindanao lang ang coverage nito na may 25% audience share kasi wala namang may TV sa mga isla at bundok doon.
“Unlike sa AGB rating, kahit Mega-Manila/Luzon lang ito ay 75% naman ang audience share kasi kahit taga-squatter area ay may TV set. Bakit hindi ilabas ng TNS ang Mega-Manila/Luzon rating nila?
“Sa ABS CBN ay mga show lang naman talaga ni Juday sa primetime ang pinapanood, kaya dapat ibalik siya sa primetime dahil siya ang tunay na reyna ng primetime at nagpayaman sa ABS CBN.
“Kaya dapat maging alerto si Mr. Lopez sa mga executives niya na pinapaniwala siya na top rated ang show nila at blockbuster ang mga pelikula nila, baka magising na lang siya isang araw na sa statistics may milyones pa ang kanyang kumpanya pero pagdating sa cash on hand at savings, puro singko na pala ang nakadeposito.
More Power, Alfie -- Mirasol.
***
Naku Mirasol de Guzman, ako man ay nagtataka rin kung bakit magkaiba ang survey ng dalawang ratings body na tila PMPC at Enpress Awards na may kanya-kanyang manok at paborito.
Amused lang ako kapag ang Kantar national rating, ang “24 Oras” ng GMA7 ay swak din sa numero nitong 24% lang while ‘yung katapat ay more than 30% sa taas at ang “Willing Willie” ni Willie Revillame ay ewan ko kung willing tanggapin ang ratings na binibigay dito na 9% lang!
Hindi ba gosh! Abelgosh ‘yan?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment